Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan, nagkaloob si Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ng Agricultural Infrastructure and Leasing Corp. (AILC), Niña Cares Foundation, at Kasama Kita sa Barangay Foundation, ng 50 hospital beds, 2 stand fans, at 2 water dispensers sa Bayambang District Hospital (BDH) noong Agosto 13, 2024 upang mas maging kumportable ang mga pasyenteng nagpapagaling sa ospital. (APV/RSO; MLO)