Isang Blood Samaritan Bronze Award at Certificate of Appreciation ang iginawad kay Mayor Niña Jose-Quiambao ng Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter, dahil sa aktibong pakikilahok nito sa iba’t ibang Blood Services Program ng organisasyon bilang Presidente ng PRC-San Carlos City Branch Council.
Ang naturang parangal at pagkilala ay nauna nang tinanggap ni Sheina Mae Gravidez, PIO Deputy, kasama sina Bb. Bayambang 2024 Reign Joy Lim, Binibining Bayambang Charity 2024 Nexel T. Junio, at Bb. Bayambang Tourism 2024 Gem Danielle Panadero, noong August 2 sa Gia’s Farm Events Place, San Jose, Urdaneta City.
Personal na tinanggap ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang parangal noong August 5, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Iginawad naman ang Pinabli Award ng PRC sa LGU-Bayambang matapos makalikom ang LGU ng 438 blood units sa loob lamang ng taong 2023. Tumanggap din ng Certificate of Appreciation sina Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, at RHU Blood Coordinator, Nerisa Zafra, RMT.
Tatlong Bayambangueños din ang opisyal na kinilala bilang bagong miyembro ng Blood Galloners Club matapos ang makailang ulit nilang pagdodonate ng dugo at makalikom ang PRC ng mahigit isang galon ng dugo kada isa. Sila ay sina Sergio delos Santos ng Sangguniang Bayan ng LGU-Bayambang; Rita Junio, BHW ng Amanperez; at Jamie Yen Logan, BHW ng Zone IV. (Sheina Mae U. Gravidez/RSO; AG, PRC, Sergio delos Santos)