MDRRMO ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro, Nagbenchmarking sa Bayambang

Ang MDRRMO ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro ay bumisita sa Bayambang noong December 21, 2023, para magbenchmarking activity.

Sa pangunguna ng kanilang LDRRM Officer na si Geoffrey DM. Panganiban, ang 30 katao na delegasyon ay winelcome ni Bayambang DRRM Officer Genevieve Benebe at kanyang staff at mga department head at agency head.

Kanilang binisita ang Municipal Hall, BPSO Command Center, Operational Center ng MDRRMO sa Munisipyo, Wawa Evacuation Center, St. Vincent Ferrer Prayer Park, Municipal Museum, St. Vincent Village, at ang anime-inspired Paskuhan sa Bayambang 2023. Sila ay naghapunan sa Silver Concha Wavepool Resort sa Malimpec.

Ayon kay Benebe, napa-wow ang mga bisita sa modernong mga opisina sa Municipal Hall habang napreserve anila ang iba pang orihinal na features ng antigong gusali ng munisipyo.

Namangha rin sila sa Guinness World Record na bamboo statue sa Bani. Kanila ring nagustuhan ang ideya ng paggamit sa Wawa Evacuation Center bilang isang halfway house (Abong na Aro), warehouse, at DRRM Satellite Office. “They learned about our radio communication system, but we learned something about how they advanced in the CCTV management,” dagdag pa ni Benebe. (by RSO; photos: JMB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *