Mga Bagong Miyembro ng PMOC Team, Sumalang sa Training

Sumalang ang mga bagong miyembro ng Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) team ng LGU sa Module I ng PMOC Training noong ika-24 ng Oktubre, 2023 sa Mayor’s Conference Room.

Ang training ay inorganisa ng MSWDO, kung saan naging resource speaker si Dr. Maria Velen A. Joven, Planning Officer II, kasama si Doris Zafra, Planning Officer I, ng PopCom Region I.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga bagong miyembro mula RHU, MSWDO, Nutrition, at LCR.

Naroon sina Local Civil Registrar Ismael Malicdem, Jr., MSWD Officer Kimberly P. Basco, Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, Municipal Nutrition Officer Venus Bueno, at Population Program Worker II Alta Grace Evangelista. Layunin ng training na madagdagan ang miyembro ng PMOC team para mas lalong maayos ang pag-conduct ng PMOC sa mga couples na nais magpakasal at para masiguro na laging may handang accredited speakers ang team tuwing kinakailangan ang serbisyo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *