Sa ilalim ng pamumuno ni Ret. Col. Leonardo Solomon, BPSO Chief, nag-refresher training ang mga staff ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa Basic Life Support at Standard First Aid sa loob ng apat na araw sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park mula Hulyo 30 hanggang Agosto 2, 2024.
Naging guest lecturer si Dr. Eloy P. Bueno, kasama ang mga nurse na sina Jonathan T. Melchor, Jake Kelvin Baniqued, at Jerome Ellaus mula sa Pangasinan Health Office.
Nagbigay kaalaman ang mga resource persons sa mga BPSO staff tungkol sa mga paksang rescuer adult and infant CPR and automated external defibrillator (AED), foreign body airway obstruction (FBAO) at rescue breathing for infant and adults.
Nagkaroon din ng aktuwal na demonstrasyon sa evening sessions, field simulation exercises, at pagsusulit upang ma-evaluate ang lahat ng participants ukol sa kanilang mga natutunan. Naroon si Ms. Joanne Villanueva, Development Management Officer IV ng DOH Region I, bilang observer at evaluator.
Sa graduation ceremony, dumating si RHU III head, Dr. Adrienne Estrada, upang magbigay ng inspirasyunal na mensahe.
Malaking hakabang ang pagsasanay na ito sa mga kawani ng BPSO upang epektibong makapagligtas ng buhay at makapagbigay ng paunang lunas sa mga Bayambangueño sa oras ng ‘di inaasahang sakuna. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO: larawan ni: JMB)