Mga Bulaklak, Inaalay sa Ating mga Bayani

Noong August 28, 2023, nag-alay ang LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office, ng mga bulaklak bilang pag-aalaala sa sakripisyo ng ating mga bayani.

Nawa’y ang kanilang di-matatawarang pagmamahal sa bayan ay manatili sa ating isipan, tumimo sa bawat himaymay ng ating laman, at habambuhay na ating isalin sa mga susunod na henerasyon. Ating isabuhay ang kalayaang nakamit kapalit ng kanilang mga buhay!

Maligayang Araw ng mga Bayani, Bayambangueño!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *