Mga Coop, Nag-Clean-up Drive sa Brgy. Dusoc-Brgy. Carungay Rd.

Noong ika-13 ng Oktubre, ang iba’t-ibang kooperatiba sa Bayambang ay nagsagawa ng isang Outreach Clean-Up Drive sa daan mula Brgy. Dusoc hanggang Brgy. Carungay, sa pag-oorganisa ng Municipal Cooperative Development Office sa pangunguna ni OIC MCD Officer Alberto Lapurga.

Ito ay bilang parte pa rin ng pagdiriwang ng Cooperative Month, na may temang “Cooperatives: Pioneering the Path to Recovery Amidst Modern Challenges of Climate Change and Food Security.”

Ito ay bahagi ng adbokasiya ng mga kooperatiba na isulong ang isang malinis, ligtas, at maaliwalas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *