Mga CVO, Tumanggap ng Financial Assistance

Ang pamahalaang panlalawigan ay nagpamahagi ng financial assistance sa mga Barangay Civilian Volunteer Organization (CVO) ng 3rd District municipalities ng Pangasinan sa Pavillion 1, Saint Vincent Ferrer Prayer Park, ngayong araw, ika-26 ng Enero 2024.

Ang mga CVO ay binati ni Governor Ramon Guico III; Vice Governor Mark Ronald Lambino; Board Member, Dra. Shiela Baniqued; Board Member VC Ventanilla; LNB Pangasinan President at BM Raul R. Sabangan; former BM, Atty. Angel Baniqued; Vice Mayor Ian Camille Sabangan bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao; at mga SB members na sina Councilor Mylvin Junio, Councilor Amory Junio, Councilor Gerry Flores, at Councilor Martin Terrado II.

Mayroong 1,500 na CVO mula sa bayan ng San Carlos, Bayambang, Calasiao, Malasiqui, Mapandan, at Santa Barbara ang nakatanggap ng P1,000 bawat isa bilang pagkilala sa kanilang pagpapanatili ng seguridad sa kanilang lugar.

(ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: Ace Gloria)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *