Ang iba’t ibang frontliners ng LGU ay muling sumailalim sa “Frontline Service Provider Empowerment.”
Ito ay upang masiguro na ang bawat kawani ng gobyerno na humaharap araw-araw sa mga kliyente ay magkaroon ng tamang kaalaman kung paano ang maayos na pagtrato sa mga kliyente ng gobyerno.
Ang seminar ay inorganisa ng Human Resource Management Office noong June 26, 2024, sa Events Center.
Sa kanyang pambungad na mensahe bilang kinatawan ni Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr., hinikayat ni Office of the Special Economic Enterprise head, Atty. Melinda Rose Fernandez, ang mga kapwa empleyado na isabuhay ang matututunan at mahalin ang pagbibigay serbisyo sa mga Bayambangueño.
Naging resource speaker sa seminar na ito si Civil Service Commission Provincial Director Flordeliza Bugtong at kasama ang kanyang staff.
Sa pagtatapos ng seminar, natututunan ng mga kawani kung paano maghatid ng mahusay na serbisyo, alamin ang mga pamantayan ng serbisyo at tamang pakikipag-usap sa mga kliyente upang maihatid ang tatak “Total Quality Service” ng administrasyong Quiambao-Sabangan. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ace Gloria)