Mga Kandidato sa BSKE 2023, Nanumpa para sa Mapayapang Eleksyon

Isang matagumpay na Unity Walk, ecumenical mass, electoral candidate briefing, at peace covenant signing ang isinagawa ng COMELEC noong October 10, 2023, sa pakikipagtulungan ng LGU-Bayambang, DILG, PNP, at BFP.

Ayon sa report ng PNP, may humigit-kumulang na 1,500 na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 ang nakilahok sa aktibidad na ginanap mula sa St. Vincent Ferrer Parish Church hanggang sa Balon Bayambang Events Center.

Kabilang sa mga dumalo sina Vice-Mayor IC Sabangan; Councilor Martin Terrado II; COMELEC Election Officer Zenaida Diaz; MLGOO Johanna T. Montoya; Pangasinan Police Provincial Office Director, PCol Jeff E. Fanged; at PNP-Bayambang OIC Chief, PLtCol Rommel P. Bagsic. Nagsilbi namang mass presider si SVFP priest, Fr. Jezer Tristan de Vera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *