Mga Onion Grower, Binigyan ng Fertilizer at Onion Seeds

Pinangunahan nina Vice Mayor Ian Camille Sabangan at Coun. Philip Dumalanta ang pamamahagi ng fertilizer at onion seeds ng Municipal Agriculture Office ngayong araw, October 10, sa Amanperez Barangay Covered Court para sa mga lokal na onion grower.

Ang mga pataba ay para sa mga magsasakang nasalanta ng bagyong ‘Paeng’ noong taong 2022. Ang mga onion seeds naman ay para sa lahat ng onion grower mula sa 8 farming districts (Districts 1-8).

Ayon kay OIC Municipal Agriculturist Zyra Orpiano, umabot sa 680 ang mga magsasakang napamahagian ng mga ito: 88 ang beneficiaries ng fertilizer at 592 naman ang nakatanggap ng onion seeds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *