Nagpatuloy sa pag-iikot sa mga barangay ang Local Civil Registry Office upang maghatid ng libreng Delayed Registration of Birth sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Para sa buwan ng Hunyo, nagtungo ang team sa Brgy. San Gabriel 1st, Amancosiling Sur, Amancosiling Norte, Dusoc, at Pantol, at sa kabuuan ay nagkaroon ng 62 benepisyaryo.
Sa kasalukuyan, may 487 kabuuang benepisyaryo na ang nabigyan ng libreng Birth Certificate in Security Paper (SECPA).
Kasama rin sa kanilang pag-iikot ang data capturing para sa Community Service Card, at sila ay nakakalap ng datos mula sa 173 katao. (LCRO/RSO; LCRO)