Most Outstanding Schools in Nutrition, Inanunsyo ng MNC

Sa flag-raising ceremony noong December 18, 2023, inanunsyo ng Municipal Nutrition Council ang mga nanalo sa Search for Outstanding School in Nutrition Program Management sa Balon Bayambang Events Center.

Kampeon sa Large School Category ang Bayambang Central School, sa Medium School Category ang Amancosiling Elementary School, Small School Category ang Bical Elementary School.

Ang mga nanalo ay nakatanggap ng P15,000.

Ang patimpalak na ito ay isinagawa noong November 21 hanggang December 8, 2023, kung saan kabilang sa pamantayan ng pagpili ang School Canteen Management, Proper Sanitation or Wash Program, at Gulayan sa Paaralan Implementation nang mabawasan ang kaso ng malnutrisyon sa bawat paaralan sa Bayambang. (by Vernaliza M. Ferrer/RSO; photos: Ace Gloria)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *