Motorpool Update: 453 Lehitimong Traysikel na ang Napinturahan at Nabigyan ng Sticker

Ayon sa datos na ibinahagi ng Municipal Motorpool, umabot na sa 453 mula sa kabuuang bilang na mahigit isang libo ng mga traysikel na may prangkisa ang napinturahan na at nabigyan ng sticker.

Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng unipormeng kulay at pagkakalilanlan ang mga lehitimong traysikel na umiikot sa bayan para maiwasan ng mga pasahero ang pagsakay sa mga kolorum.

Layunin din nito na masigurong ligtas ang mga pasahero laban sa mga drayber na hindi sumusunod sa mga batas na pinaiiral sa ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *