Museums and Galleries Month 2023, Ipinagdiwang

Sa buong buwan ng Oktubre, nagsagawa ng isang serye ng guided tours ang Bayambang Municipal Museum para sa iba’t ibang departamento ng LGU at mga lokal na paaralan, bilang parte ng pagdiriwang ng national Museums and Galleries Month 2023.

Ang mga grupo ng bisita ay isa-isang inilibot sa iba’t ibang gallery ng Bayambang Museum of Innovation sa Public Plaza sa magkakaibang araw ng mga tour guide na sina Ray Hope Bancolita at Angel Veloria.

Kanilang nasilayan ang mayamang kasaysayan at kultura ng bayan ng Bayambang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *