Nakamura Ka na, Nakatulong Ka Pa!

Nag-umpisa na ang dalawang araw na LGU-Bayambang Bazaar for Pre-loved Items noong Biyernes, September 8, sa Balon Bayambang Events Center.

 

Ang naturang “Ukay for a Cause” ay mayroon ding kasabay na live selling sa Balon Bayambang Facebook page para sa mga mamimili na hindi makapunta sa bazaar.

 

Ang proyektong ito ay inisyatibo ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kasama ang iba pang miyembro ng Technical Working Group upang makatulong sa housing project ni Mayor Niña para sa mga piling pamilya na miyembro ng 4Ps.

 

Kasama sa mga nagdonate ng mga pre-loved items for sale ang lahat ng departamento ng LGU. Naroon din ang BFP, CIAISI, Project Aral Foundation, Rotaract Club, at mga Binibining Bayambang na umasiste sa aktibidad.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *