Natulungang Heart Patient, Bumisita upang Magpasalamat

Noong  ika-11 ng Setyembre, 2023, nagsadya sa opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao si Gng. Gina Herrera kasama ang kanyang anak na si Sheinna H. Soriano, 15 taong gulang, mula sa Brgy. Dusoc upang magpasalamat sa lahat ng naitulong at patuloy na pagtulong ng Mayor’s Action Center (MAC) sa pangunguna ni Ms. Jocelyn S. Espejo kasama ang iba pang staff sa naging operasyon ni Sheinna.

Si Sheinna ay may congenital heart disease, kaya naman siya ay dumaan sa isang open heart surgery sa Heart Center of the Philippines noong July 13, 2023.

Ayon sa MAC, umabot sa P1.2M ang kanilang naitulong kay Soriano at patuloy silang tutulong para sa iba pang pangangailangan gaya ng gamutan at follow-up check-up hanggang sa siya ay tuluyan na makarecover.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *