Internal Quality Audit, Nagpatuloy

Bilang parte ng pagiging ISO-certified ng LGU-Bayambang, nagpatuloy ang masusing internal auditing process sa iba’t-ibang departamento upang makita kung nasusunod ng mga empleyado ang mga pamantayan sa paggawa, at makita ang mga posibleng areas of improvement sa iba’t ibang proseso.

CDRA Plan ng LGU, Inuupdate

Ang Municipal Planning and Development Office ay nagsagawa ng 3-day validation at finalization kabilang ang pagrepaso sa draft plan ukol sa Climate Disaster Risk Assessment (CDRA) gayundin ang pag-update ng Comprehensive Development Plan – Climate and Disaster Risk Assessment (CDP-CDRA)…