NIA at Consultants, Nag-validate sa Bayambang Pump Irrigation Project

Noong Nobyembre 23, 2023, naglibot ang mga kinatawan ng National Irrigation Authority (NIA) kasama ang mga kanilang consultant upang ivalidate at iassess ang Bayambang Pump Irrigation Project.

Ang naturang pag-iikot ay para sa kanilang pagbuo ng Detailed Engineering ng Pump Site at Social and Environmental Impact Assessment (SEIA) ng proyekto.

Sa aktibidad, malalaman ang mga positibo at negatibong epekto ng proyekto at mga epekto sa biodiversity, climate change, water quality, human health, human rights, labor standards, at community development.

Naroon upang gabayan ang mga consultant sina Atty. Bayani Brillante Jr. ng Legal Office at mga kinatawan ng Municipal Agriculture Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *