NIA, Pinulong ang 22 Kapitan

Muling nagsagawa ng pagpupulong ang NIA Region 1, kasama ang mga piling Punong Barangay upang talakayin ang pre-engineering permits gaya ng Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa DENR-Environmental Management Bureau (EMB) gayundin ang Initial IEC/Social Preparation Activities kasabay ng presentasyon ng proyekto bago ang pagsusumite ng aplikasyon.

Ito ay matapos maaprubahan ang Phase 1 ng Bayambang Pump Irrigation Project ng National Irrigation Administration na nagkakahalaga ng PhP40-million para sa may 1,600 ektaryang sakahan na makatutulong sa 22 farming barangays ng Bayambang.

Ang pulong ay ginanap noong Enero 4, 2024, sa Mayor’s Conference Room kasama ang mga concerned LGU department head (MO, Admin, MAO, BPRAT, MPDO, Engineering, MENRO, Assessor, at MDRRMO).

Kabilang sa mga dumating ang mga kapitan ng Amancosiling Norte at Sur, Wawa, Buayaen, Dusoc, Sancagulis, Bical Norte at Sur, Tatarac, Apalen, Pangdel, Inanlorenza, Tanolong, Bani, Asin, Ligue, Tococ West, Sapang, Duera, Banaban, Amanperez, at Alinggan. (by Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; photos: Ace Gloria)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *