Bumaba noong July 10, 2024, ang National Nutrition Council (NNC) Region I para sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan of Implementation Protocol o MELLPI PRO ng ahensya sa Brgy. Sancagulis.
Sila ay bumisita sa barangay upang i-evaluate ang performance ng Barangay Nutrition Scholar (BNS) ng Sancagulis na si Annaliza M. Natividad, na kinokonsidera bilang isa sa mga best performing BNSs sa probinsya at Rehiyon Uno. Naroon sa Sancagulis Barangay Hall ang lahat ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni PB Melencio M. Papio.
Kabilang sa mga dumating na evaluators sina Mr. Kendall Pilgrim Gatan, OIC Nutrition Program Coordinator ng NNC-R1; Ms. Christy Bautista, NNC RO1 staff; Jenrie C. del Rosario ng PIA Pangasinan; Dannadel Vilar, Program Officer ng World Vision-Pangasinan; at Helen Viray, faculty ng PSU-Lingayen.
Ang mga bisita ay sinamahan ng MNAO team upang magcourtesy call kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa tanggapan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad. (RSO; MNAO)