Nursing Board Topnotcher, Pinakauna mula Bayambang

Kinilala ng LGU-Bayambang noong  July 1, 2024, sa Balon Bayambang Events Center si Susanna Rodriguez Evangelista, RN, mula sa Barangay Nalsian Sur bilang topnotcher ng June 2024 Philippine Nurses Special Professional Licensure Exam. Nakamit niya ang Top 1 spot sa nasabing licensure examination, sa iskor ng 86.20% points.

Ayon kay SB Secretary Joel V. Camacho, ito ay “unprecedented,” na nangangahulugang ito ang pinakaunang pagkakataon na may mag-top 1 mula sa Bayambang sa anumang board exam.

Ang tagumpay ni Evangelista ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming Bayambangueño, lalo na sa mga nangangarap maging isang nars.

Congratulations, Susanna Rodriguez Evangelista, RN! (ni Angel P. Veloria/RSO; larawan: Ace Gloria)