OFW Federation, Nagsagawa ng Feeding Activity

Isang feeding activity ang isinagawa ng Federation of Overseas Workers of Bayambang Inc. noong February 7, 2024, sa Brgy. Ligue kung saan may 20 na pupils ang naging benepisyaryo.

Isa sa mga proyekto ng pederasyon ang feeding program kung saan lahat ng mga Day Care Center sa Bayambang ay kanilang lilibutin, sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO).

Ito ay dinaluhan ni Ligue Barangay Captain Jessie de Vera, Ligue OFW Association President Shirley Melido na siyang naging punong abala, Federation of Bayambang Overseas Workers Inc. President Joseph Ong, Tatarac OFW Association President Felicidad Sebastian, at San Gabriel

1st OFW Association President Erlinda Macadangdang.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang PESO staff na si Jeffrey Ferrer at Daycare Teacher Marisa DG. Castro.

Ayon kay SLEO Gernalyn Santos, sa naturang aktibidad ay naipapakita ng pedesrasyon ang kanilang suporta sa mga anti-poverty program ng lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *