OFW Federation, Pinulong

Isinigawa ang unang monthly meeting ng taon ng Federation of Bayambang Overseas Workers Inc. sa Sangguniang Bayan Session Hall, ngayong araw, Enero 24, 2024, sa pangunguna ni SLEO at Migrant Desk Officer Gernalyn Santos.

Dito ay tinalakay ng mga opisyal ang mga programa, proyekto, at aktibidad ng asosasyon. Ang Livelihood Training Program and Generation of Migration Data ay ilan lamang sa mga programang nakaabang sa taong ito.

Kasama sa naturang pagpupulong si Councilor Benjamin Francisco S. De Vera, Chairperson ng SB Committee on Labor and Employment, na nagpahayag ng kanyang suporta sa mga programa ng asosasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *