OFW na Rape Victim sa Brunei, Nakauwi na sa Tulong ni Mayor Niña at PESO-Bayambang

Nakauwi na ang OFW na taga-Bayambang na, ayon sa kanyang sariling ulat, ay isang rape victim sa Brunei.

Mabilis ang naging tugon ng PESO-Bayambang at OWWA sa kanyang hiling para sa repatriation, kaya’t mabilis din siyang nakauwi.

Ayon sa PESO, dumating siya sa Bayambang kaninang 5 a.m., at agad namang nagreport sa PESO. Kanyang nakausap si Mayor Niña Jose-Quiambao sa Aguinaldo Room ng Balon

Bayambang Events Center, at siya binigyan ng cash assistance mula sa sariling bulsa ng alkalde.

Bibigyan din siya ng LGU ng P10,000-worth na Pangkabuhayan Package. Gagawa rin ang PESO ng referral sa OWWA at PESO-Pangasinan para sa anumang ayuda na posibleng matanggap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *