ONGOING: Clearing Operations at Clean-up Drive sa Bayambang Central School

Sa unang pagkakataon, matapos itong isara sa publiko ng halos isang dekada, muling inokupa ng LGU-Bayambang ang lumang campus ng Bayambang Central School noong October 11, 2023, matapos magdesisyon si Presiding Judge Magnolia V. Cayetano ng Region I Trial Court na ibalik ang ownership nito sa LGU.

Bagamat hindi pa tapos ang kaso, sa utos ni Mayor Niña Jose-Quiambao ay nagtutulung-tulong ang mga departamento at ahensya upang baklasin ang mga nakaharang na yero at tigpasin ang kasukalan ng lugar upang ito ay malinisan.

Nagbubunyi ang buong bayan ng Bayambang sa pinakahuling desisyong ito ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *