Operasyon para sa mga Pasyenteng May Katarata, Inumpisahan Na

Sa isinagawang Grand Medical Mission noong January 15-19, 2024, mayroong naitalang 83 na kaso ng pasyenteng may katarata o cataract sa mata.

Ayon sa ulat ng RHU, anim sa mga ito ay naoperahan na noong Lunes, February 26, 2024, sa San Carlos Eye Center, San Carlos City, Pangasinan.

Nagkaroon naman ng follow-up check-up ang mga ito kahapon, February 27, upang masiguro na maayos at maaalagaan ng tama ang bagong opera nilang mga mata.

Nakatakda namang operahan ang iba pang pasyente sa darating na March 4, March 8, at March 25, 2024. (ni Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: RHU)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *