OPT Plus 2024: “Walang Batang Maiiwan sa Maayos na Nutritional Assessment”

Ang Nutrition Office at mga RHU ay abala na sa pagiimplementa ng Operation Timbang Plus para sa taong 2024.

Ayon sa MNAO, isang orientation meeting ang nauna na nilang ipinatawag para sa mga kasapi sa aktibidad, kabilang ang mga RHU, Barangay Nutrition Committee, BNS, at BHW.

Dito ay ipinaalala sa lahat ang:

1. mga proper technique ng weight at height measurement

2. pag-schedule mula January hanggang March 2024 para sa implementasyon ng OPT+

3. pagsuyod sa lahat ng barangay upang walang bata ang maiiwan para ma-assess ng tama ang nutritional status

4. pagbigay ng naaangkop na serbisyo ayon sa estado ng kanilang nutrisyon

5. maingat na pag-encode ng tamang datos sa e-OPT Plus software para sa maayos na consolidation ng report.

Ang mga naturang miyembro ng team ay nag-umpisa nang lumibot sa mga barangay para magsukat ng tamang timbang at tangkad ng mga target na musmos na kabataan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *