Orientation on Anti-VAW and Children’s Laws

Nagsagawa ng isang oryentasyon ukol sa Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) ang LGU-Bayambang sa layuning mapalakas ang kakayahan ng mga miyembro ng LCPC at LCAT-VAWC.

Ang aktibidad ay ginanap noong ika-14 ng Disyembre, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park at inorganisa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa pangunguna ni MSWD Officer Kimberly Basco.

Sa kanyang inspirasyunal na mensahe, hinikayat ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan ang lahat na, “Ipakita natin ang kakayahan ng mga kababaihan, na hindi tayo pwedeng maliitin at abusuhin ng kahit na sino.”

Nagsilbi namang lecturer si OIC-Provincial Prosecutor Emmanuel Estrada Laforteza, kung saan kanyang tinalakay ang iba’t-ibang batas na nakapaloob sa RA 9262, RA 11313, at RA 7610 ukol sa pagprotekta sa karapatan ng mga bata at kababaihan, gayundin ang kaakibat na batas para naman sa usapin ukol sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act 2012 o ang RA 10364.

Ang mga batas na ipinaliwanag ni Pros. Laforteza ay malaking bagay para sa kaalaman ng bawat miyembro ng komite ng LCPC at LCAT-VAWC na maaari nilang magamit sa pagsampa ng kaso ukol sa mga abusong maaari nilang maranasan o ng iba.

Bilang pangwakas, naghatid ng kanyang mensahe si Coun. Amory Junio, kung saan payo niya na, “Ang mga batas ay unahing iimplementa sa ating mga tahanan, sa ating pamilya at susunod diyan ay sa inyong mga barangay.”

Natuwa naman ang lahat dahil may simpleng pa-Christmas raffle si Coun. Amory Junio at Coun. Philip Dumalanta.

(by Sharlene Joy G. Gonzales/RSO: Photo: JMB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *