Orientation sa Acute Malnutrition, Isinagawa

Isang orientation ang isinagawa ng Municipal Nutrition Office, sa pamumuno ni MNAO Venus Bueno, ukol sa Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition (PIMAM) noong December 6, 2023, sa Events Center.

Naging resource speaker sina Dr. Ma. Cecilia P. Nerona ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH), PPH District Nutrition Program Coordinator Marina Penollar, at Public Health Nurse ng RHU II, Lady Philina Duque.

Naroon si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, upang iwelcome ang lahat ng mga dumalo, na kinabibilangan ng mga nurse, midwife, BNS, at District Nutrition Program Coordinator ng LGU.

Ang adhikain ng orientation na ito ay magbigay ng detalyadong kaalaman kung paano maiiwasan at mga hakbangin kung sakaling magkaroon ng kaso ng Moderate Acute Malnutrition (MAM) at Severe Acute Malnutrition (SAM), na isa ring paraan para tuldukan ang malnutrisyon sa bayan. (by Vernaliza M. Ferrer/ RSO; Photos: Nutrition Office).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *