P573.2M Annual Budget at P5.005B AIP, Aprubado na ng SP!

Pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang P573,163,840.35 na Annual Budget ng bayan ng Bayambang para sa taong 2024. Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, DPA, at lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagsagot sa mga katanungan sa ginanap na budget hearing sa Provincial Capitol, Lingayen, Pangasinan noong January 8, 2024.

Kasabay rin na inaprubahan sa hearing ang Annual Investment Program (AIP) na nagkakahalaga ng ₱5,005,288,121.35.

Ang mga pondong ito ay nakalaan para sa seguridad ng taumbayan, edukasyon, kalusugan, agrikultura, imprastraktura, proteksyon sa kalikasan, kabuhayan, trabaho, kaligtasan kapag may kalamidad, at iba pang serbisyo publiko. (by Vernaliza M. Ferrer; photos: Ace Gloria)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *