P5M School Supplies, Ipinamahagi para sa mga Pampublikong Paaralan

Bilang paghahanda sa nalalapit na school year 2024-2025, ang lokal na pamahalaan ay sinimulan nang magpamahagi ng mga school supplies sa 49 na pampublikong paaralan sa elementarya at 73 daycare centers sa Bayambang.

Ang distribusyon ay ginanap noong  June 25, at magtatapos sa June 27, 2024, sa Aguinaldo Hall, Balon Bayambang Events Center.

Ang mga school supplies ay nagkakahalaga ng P5,000,000 na mula sa pondo ng Special Education Fund ng Local Government Unit ng Bayambang sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral sapagkat simula nang maupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan, taun-taon sila ay nakakatipid sa kagamitang pang-eskwela. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ace Gloria)