Mahigit 120 na kalahok ang nagtagisan sa husay sa pagpinta sa isang contest na isinagawa ng Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office para sa Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center noong August 29, 2024, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Ang kompetisyon ay may temang “Bountiful Harvest, Happy Family, & Healthcare Services.”
Itinanghal na grand winner sina Mark delos Santos mula San Carlos City, Pangasinan; Gel Austin Pascua mula Brgy. Zone 7, Bayambang; Nicole Joi Gasmen ng Urdaneta City, Pangasinan; at Benny Gilbert Frias ng Brgy. Nalsian Sur, Bayambang, at sila ay nagwagi ng tig-P15,000 cash prize matapos silang magpakita ng natatanging galing.
First runner-up sina Ariela Cancino ng Lingayen, Benny Gilbert Frias, Van Zachary Turingan ng San Carlos City, at Reymond Bisagas ng Brgy. Wawa, Bayambang, at nagsipag-uwi ng tig-P12,000.
Nanalong 2nd runner-up naman sina Gerardo Roque Jr. ng San Carlos City; Reymond Bisagas ng Brgy. Wawa, Bayambang; at Jeo Morados, at sila ay tumanggap ng tig-P10,000.
Kabilang sa naging judges sina retired PSU professors Januario Cuchapin at Peregrino Larang, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, MTICAO head, Dr. Rafael L. Saygo, at events coordinator at restaurateur Lyra Pamela Duque. (KALB/RSO; JMB)