Isang sambahayan sa Brgy. Nalsian Norte na nasunugan noong August 17, 2024 ang agad na tinulungan ng Munisipyo.
Matapos maapula ng BFP ang sunog, agad na nagprofiling activity ang MSWDO.
Sa sumunod na araw, August 18, ang pamilya ay inabutan ng food packs.
Sila ay nakatakda ring bigyan ng cash assistance at ilang building materials upang tulungang maitayong muli ang nasunog nilang bungalow. (RSO; MSWDO)