Para sa Maayos na Pagbubukas ng Grand Medical Mission, Espesyal na Misa, Ginanap

Bilang paghahanda sa gaganaping Grand Medical Mission bukas, January 15 na tatagal hanggang January 19, naghanda ng isang misa ang LGU Bayambang na ginanap sa Pavilion I ng

St. Vincent Ferrer Prayer Park noong  January 14.

Dumalo sa misa ang mga volunteer doctors and nurses ng Philippine Medical Society of Northern California.

Naroon din ang RHUs ng LGU Bayambang at mga kawani.

Matapos ang misa, nagkaroon naman ng maikling orientation ang mga volunteer doctors and nurses at ang kanilang buong team para sa medical mission.

Nagbigay din ng maikling orientation si Dr. Rafael L. Saygo, ukol sa mga kaganapan sa loob ng limang araw ng Grand Medical Mission.

May at least 209 na mga medical personnel ang kasali sa medical mission, at karamihan ay galing pa sa Estados Unidos.

(ni Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: JMB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *