Noong August 9, 2023, nagsagawa ang MPDO ng isang Orientation Program ukol sa Ease of Doing Business (EODB) at Anti-Red Tape Act (Streamlining and Re-engineering of Systems and Procedures) sa Balon Bayambang Events Center upang ipaalam sa lahat ng departamento kung paano iuupdate ang kani-kanilang Citizen’s Charter base sa mga proseso at procedures na binalangkas para sa ISO Certification.
Ang programa ay binuksan ni Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad sa pamamagitan ng kinatawan na si G. Mark Espino, at sinundan ng mga inspirasyunal na mensahe mula kina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Bayambang Polytechnic College President, Dr. Rafael Limueco Saygo.
Nagsilbing lecturer si Atty. Janneliza M. Taloma ng Civil Service Commission Region 1. Sa updated na Citizen’s Charter, aniya, inaasahang mas mapapabilis at mapapadali ang lahat ng proseso ng LGU para sa mamamayan, lalo na sa mga negosyanteng nais mamumuhunan.
Sa updated Citizen’s Charter, maiiwasan ang mga kumplikadong task o step at mga proseso na maaaring pag-isahin o puwedeng burahin dahil hindi kinakailangan.