Sumailalim sa training ang 78 na enumerators at area team supervisors na nakapasa sa examination round ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa 2024 Census of Population at Community-Based Monitoring System (POPCEN-CBMS), sa pag-oorganisa ng PSA sa tulong ng Municipal Planning and Development Office noong Hulyo 8-13, 2024 sa Bayambang Polytechnic College.
Ang 2024 POPCEN-CBMS ay magiging basehan sa paglatag ng mga plano at polisiya partikular na sa sektor ng Social, Ekonomiya, Infrastructure, Environmental at Good Governance. Sa updated na datos, ay magkakaroon ng matibay na basehan ang LGU upang masiguro na ang mga nakalaang programa at proyekto ay kapakipakinabang sa mga mamamayan.
(Khim Ambrei Ballesteros/SUG; MPDC)