PSA Enumerators, Nanumpa

Nanumpa ang mga bagong enumerators na hinire kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa gaganaping panibagong census ng ahensya, alinsunod sa data privacy.

Matatandaan na ilang aplikante ang sumabak sa isang pagsusulit noong buwan ng Hunyo para maging PSA enumerators. Sa 120 na aplikante, 77 ang natanggap bilang PSA enumerators at isa ang reserve enumerator.

Sila ay nanumpa noong  ika-15 ng Hulyo, 2024, sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.

Ang kabuuang 78 enumerators ay nakatakda nang sumabak ngayong araw sa pagkalap ng mga datos.

Ang Oath of Privacy ay isang paraan upang makasiguro ang bawat kabahayan na ang lahat ng datos na makakalap ng bawat enumerator ay mananatiling confidential at ligtas alinsunod sa Republic Act No. 10173 o ang 2012 Data Privacy Act (DPA). (ni Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: Ace Gloria)