Isang public hearing muli ang idinaos ng Sangguniang Bayan (SB) ukol sa tatlong panukalang ordinansa.
– Ang una ay pinamagatang “An Ordinance Regulating the Operation of Piggery Business in the Municipality of Bayambang and Providing Penalties for Violations.”
– Ang pangalawa naman ay pinamagatang “An Ordinance Prescribing Proper Management, Containment and Control of African Swine Fever (ASF) and Imposing Penalties for Violations.”
– Ang paghuli ay pinamagatang “An Ordinance Prescribing Application Guidelines to the Reclassifications of Agricultural Land in the Municipality of Bayambang and Imposition of Fees.”
Ito ay ginanap noong February 28, 2024, sa Sangguniang Bayan Session Hall.
Ipinaliwanag sa hearing ang mga kaukulang nilalaman ng draft ordinance ukol sa legalidad at babayaran ng mga mamamayang lumabag sa mga ordinansang ito.
Pinangunahan ang pampublikong pagdinig nina SB Committee Chairman on Agriculture, Konsehal Philip Dumalanta; Committee Chairman on Ways and Means, Konsehal Amory Junio; Committee Chairman on Environment and Natural Resources, Konsehal Mylvin T. Junio; at Committee Chairman on Health and Sanitation, Konsehal Levinson Nessus Uy.
Ang pampublikong pagdinig ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho at dinaluhan ng ilang lokal na magsasaka at business owners ng Bayambang.
Sa Open Forum ay dininig ang mga suhestiyon ng mga nagsipagdalo ukol sa mga nakasaad sa panukalang ordinansa.
(ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni: JMB)