Isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan patungkol sa dalawang panukalang ordinansa:
1) Draft Municipal Ordinance entitled, “Ordinance Adopting the Bougainvillea as the Municipal Flower of Bayambang”
2) Draft Municipal Ordinance entitled, “An Ordinance Imposing a Uniform Barangay Clearance Fee in any Business-Related Transaction and Application for Building Permit Subject to the Remittance of the Aforesaid Fee to the Corresponding Barangay.”
Ito ay ginanap ngayong araw, July 23, 2024, sa Session Hall, 3F Legislative Bldg., sa pangunguna ng author ng municipal flower ordinance na si Councilor Jose ‘Boy’ Ramos at nina Committee Chairman on Rules, Laws and Ordinances and Ways and Means, Councilor Amory M. Junio, at Committee Chairman on Environment and Natural Resources, Councilor Mylvin T. Junio, at sa pag-oorganisa ni SB Secretary Joel V. Camacho.
Inimbitahan ang mga Punong Barangay sa naturang pagdinig, kasama ang kani-kanilang mga Barangay Treasurer, at hiningi ang kanilang mga pananaw, komento, opinyon, at suhestiyon sa mga naturang panukala. (RSO; SB)