Usec. Vergeire, ICHD, May Free Medical Services sa Bani
May 908 na residente ng Purok Pocdol, Brgy. Bani ang tumanggap ng iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan sa ‘Purok Kalusugan sa Bagong Pilipinas’ event na inihatid ni Undersecretary of Health, UHC Health Service Cluster-Area 1, Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, kasama ang Ilocos Center for Health Development (ICHD) sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park noong August 20, 2024.
Mainit na sinalubong ng buong LGU-Bayambang sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan ang mga bisitang medical mission participants mula sa Department of Health, sa pangunguna ni Dr. Vergeire, kasama ang ICHD team sa pangunguna ni Regional Director, Dr. Paula Paz M. Sydionco, Region 1 Medical Center, National Nutrition Council, Provincial Health Office sa pangunguna ni Provincial Health Officer, Dr. Anna Maria Theresa de Guzman, Philippine Dental Association-Pangasinan Chapter, at Bayambang District Hospital.
Naging tampok rin sa event na ito ang selebrasyon ng Family Planning Month at National Breastfeeding Month, kung saan nagkaroon ng simultaneous activities at services kaugnay ng nutrition, immunization, dental services, reproductive at mental health, screenings (TB, HIV, PhilPEN, cancer, breast cancer), at information-education campaign ukol sa WASH (water sanitation and hygiene). (Angel P. Veloria, Ray Hope O. Bancolita/RSO; JMB)