“Building Bridges, Changing Lives: Honoring the Dedication and Commitment of Child Development Workers” — ito ang naging tema ng Refresher Training at Socialization na inorganisa ng Municipal Social Welfare Development Office para sa mga Child Development Worker (CDW) sa pagseselebra ng CDW Week ngayong araw, ika-5 ng Hunyo, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Winelcome nina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, DPA at MSWD Officer Kimberly P. Basco ang mga private school CDW at public learning center CDW.
Sa learning session, ipinaliwanag ni ECCD Focal Person Jovan P. Lanang ng Bauang, La Union ang “Pre-Assessment of Private School and Public Learning Center” at “Operation and Guidelines on Child Development and Daily Routine Activity.”
Bilang parte naman ng kanilang socialization activity, nagkaroon ng isang dance competition kung saan ipinakita ng mga CDW ang kanilang husay sa pagsayaw.
Narito ang nagwagi sa dance showdown:
Winner : Cluster 7
1st Runner-Up: Cluster 2
2nd Runner-Up: Cluster 4
3rd Runner-Up: Cluster 6
Consolation prizes: Cluster 1, Cluster 3, Cluster 5, at Cluster 8
Samantala, binigyang pagkilala at cash ang walong CDWs na nagserbisyo ng matagal sa pagtuturo. Ang mga ito ay sina:
1. Percy Bautista
34 years in Service
Bongato East Child Development Center
2. Rita G. Lavariaz
34 years in service
Balaybuaya Child Development Center
3. Virgie Saulon
30 years in service
M.H. Del Pilar Child Development Center
4. Luisita S. Corpuz
29 years in service
Tatarac Child Development Center
5. Estherly Frias
29 years in service
Zone V Child Development Center
6. Henidina Prado
28 years in service
Amancosiling Sur Child Development Center
7. Maria Corazon Frias
24 years in service
Tambac Child Development Center
8. Judith Lopez
20 years in service
Managos Child Development Center
(nina: Khim Ambrie L. Ballesteros, Angelica Arquinez/RSO; larawan: Ace Gloria)