Ang RHU I ay nagsagawa ng isang misting operation sa Brgy. Batangcaoa matapos maiulat ang anim na pinaghihinalaang kaso ng dengue sa lugar.
Ang mga apektadong residente ay pinayuhan ng Sanitary Inspector na maglinis ng paligid, magsegregate ng basura, itapon ang mga nakapondong tubig, at yugyugin ang mga puno na pinagtataguan ng mga lamok bilang parte ng 4 o’clock habit.
Muling magsasagawa ng misting operation ang RHU I sa susunod na araw ng Miyerkules.