RHU I, Nagsagawa ng 2023 Program Implementation Review

Noong February 26, ang RHU I ay nagsagawa ng kanilang 2023 Program Implementation Review (PIR), kung saan nirepaso ang mga naging accomplishment ng lahat ng midwife at nurse bilang mga program coordinator.

Ang PIR ay ginanap sa RHU I Conference Room.

Ayon kay Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, ang mga istratehiya ng mga midwife at nurse na nasa dulo ng ranking noong nakaraang taon ay umangat sa 4th, 3rd at 2nd rank, at consistent namang nanatiling sa unang ranggo ang mga nasa rank 1 sa mga nakalipas na limang taon.

Ang mga programang nirepaso patungkol sa mga naging accomplishment ay ang mga sumusunod, at kasunod ng mga ito ang ilang major observations:

1. Animal Bite Treatment Center: May pagtaas ng animal bite cases, lalo na dog bites. Ang pinakabatang biktima ay isang 8-month-old baby na niluksuhan ng pusa.

2. TB DOTS: May pagtaas ng TB cases dulot ng isang active case finding. Dahil dito ay nagbigay ang RHU I ng libreng chest X-ray sa mga household contact ng pasente na ngayon ay ginagamot na.

3. Laboratory: Ang revenue collection ay halos P1,000,000.

4. Sa environmental health and sanitation naman, 13% lang ang safely managed sanitary facility (toilet) na mga less than 5 years magmula noong time of construction kahit na sa mga hindi water-tight septic tank. Kinakailangang masipsip ang mga old septic tank kada 4 na taon o makapag-construct ng mga water-tight ST.

5. Ang mass blood donation target ay nasa 1% ng total population (1,025), at ang total bags collected ay 900+ o 83% ng target. Kinakailangang makapag-recruit ng mga bagong blood donors.

6. Ang maternal delivery at newborn screening (NBS) services ay naibigay sa mga pinaanak sa lahat ng birthing facility sa Bayambang. Noong simula ng taong 2023, ang BDH at R1MC ay naubusan ng mga NBS filter card kaya ang RHU I ay nagbigay ng serbisyo sa mga apektadong bagong silang na sanggol.

7. Sa National Immunization Program naman, ang high estimated target ng bawat health facility (HF) fully immunized child (FIC) ay 1,065 (75%).

8. Ang bilang ng teenage pregnancy cases na naitala ay bumaba mula 158 (2022) hanggang 147 (2023).

9. Ang dental program ay tumutok sa preventive dentristry lalo na sa mga less than 59 month-old infants at kabataan na 10% orally-fit lamang.

10. Ang titulo ng naging health promotion campaign sa taong 2023 ay “Antay Kiss.” May 1,225 students mula 4 na high schools ang naging participants: BNHS, Tococ NHS, Beleng NHS, at Tanolong NHS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *