RHU, LGU, Muling Kinilala ng Red Cross

Noong August 2, ang Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter ay naggawad ng Pinabli Award sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, Pangasinan.

Ito ay matapos makakolekta ang bayan ng 251 blood units sa pamamagitan ng Mobile Blood Donation Activities na isinagawa sa taong 2022.

Ayon sa Red Cross, ito ay isang pagkilala sa napakahalagang kontribusyon at pakikipagtulungan ng LGU Bayambang sa kanilang blood services program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *