RHU Staff, 20 Beses nang Nagdodonate ng Dugo

Si Gng. Ignacia Asuncion, 55 taong gulang ng Brgy. Reynado, ay isang staff ng RHU III sa Brgy. Carungay na naging isa sa mga matagumpay na nagdonate ng dugo ngayong araw, October 4, 2023, sa latest blood donation drive na inorganisa ng Rural Health Unit III.

Ito ay ginanap sa Brgy. Carungay Covered Court sa pakikipagtulungan ng RHU III sa Region I Medical Center at Carungay Barangay Council.

Ayon sa RHU III, pang-dalampung beses na ni Gng. Ignacia na magdonate ng dugo simula pa noong BHW pa siya. At magpasahanggang ngayon na siya ay staff na ng RHU III ay suki pa rin siya ng mga quarterly blood drive ng LGU.

Ayon kay Gng. Ignacia, siya ay pabalik-balik bilang regular blood donor dahil gusto aniyang makatulong sa mga ka-barangay niya at mga pasyente sa RHU III na nangangailangan ng dugo.

Sa kabuuan, ang LGU ay nakakolekta ng 23 blood bags mula sa mga qualified na donors, out of 34 katao na nagregister.

Kabilang din sa mga naging donor ang BFP at PNP personnel.

Sa aktibidad na ito, sinagot ng Carungay Barangay Council ang meryenda para sa mga blood donor.

Samantala, hinihiling ni Gng. Ignacia na sa kanyang kwento ay ma-inspire ang mga kapwa niya staff at BHW na magdonate din regularly ng dugo.

(Sa susunod, ang RHU III ay dadayo naman sa Brgy. Caturay upang doon maghanap ng mga adisyunal na blood donors.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *