Road Clearing Task Force: “Illegal Vendors at Obsructions sa Sidewalk, May 10 Araw na Palugit”

Noong Setyembre 26, 2023, muling nagpulong ang Road Clearing Task Force kasama si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa Sangguniang Bayan Session Hall, upang talakayin ang mga nararapat gawin sa mga susunod na road-clearing operations.

Napagkasunduan sa pangunguna ng pinuno ng Task Force na si BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, na bibigyan ng sampung araw na palugit ang lahat ng sidewalk vendors at may-ari ng iba pang sidewalk obstructions matapos silang mabigyan ng demand letter. Kapag hindi sumunod ang mga ito, naatasan ang Task Force na kumpiskahin o idemolish ang mga naturang nakahambalang sa sidewalk.

Muling magpupulong ang Task Force sa Lunes kasama naman ang mga Municipal Councilors upang talakayin ang operasyon kaugnay ng napipintong pagpasa ng lokal na Road Clearing Ordinance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *