Sa huling araw ng Nobyembre sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Prayer Park, may tig-anim na benepisyaryo kada barangay ng Bayambang ang naging benepisyaryo ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP), salamat sa Php1-milyong donasyon ni ABONO Partylist Representative, Hon. Raymund ‘Eskimo’ M. Estrella.
Ang pamamahagi ay inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, sa pangunguna ng MAIP Focal Person John Paul Domingo.
Sa maikling programa, dumalo sina Vice-Mayor IC Sabangan, Coun. Mylvin Junio, Coun. Jose Ramos, Coun. Amory Junio, Coun. Martin Terrado II, Legal Officer, Atty. Bayani Brillante, at si Faye Centeno bilang representante ni Cong. Estrella.
Sa mensahe ni VM IC Sabangan, nagpasalamat siya sa donasyon ng ABONO Partylist para sa mga indigent na pasyente.
Dagdag naman niya para sa lahat ng Bayambangueño, “Ang buong Team Quiambao-Sabangan ay laging bukas ang pinto upang kayo ay bigyan ng tulong. Ito ang aming hangad: mapabuti ang pamumuhay ng bawat isa.”
Ang bawat pasyente ay tumanggap ng Php2,000 voucher na maaari nilang gamitin sa Bayambang District Hospital para sa mga gamot at serbisyong medikal gaya ng X-ray, ECG, at laboratory.
(by Ray Hope O. Bancolita/RSO; Photos: Michael Olalia)