SATOM CTQ, Isa sa mga Panauhing Pandangal sa PLEX MOA Signing sa Kapitolyo

Si Special Assistant to the Mayor at Consultant to the Provincial Governor, Dr. Cezar T. Quiambao, ay isa sa mga panauhing pandangal sa makasaysayang Paglagda sa Joint Venture at Toll Concession Agreements sa pagitan ng Lalawigan ng Pangasinan sa ilalim ni Gobernador Ramon “Mon-Mon” V. Guico III at San Miguel Corporation na pinamumunuan ng Presidente at CEO nito na si Ramon S. Ang, para sa pagpapatupad ng Pangasinan Link Expressway (PLEX) Project.

Ginanap ang MOA Signing noong Oktubre 19, 2023 sa Sison Auditorium sa Lingayen, Pangasinan.

Ang proyektong ito ay nakatakdang magkonekta sa silangang bahagi ng probinsya sa kanlurang bahagi nito upang mapayabong ang ekonomiya ng buong Pangasinan.

https://www.facebook.com/mayorctq/posts/pfbid0RL1uiqFP5xFJRejCXgH23gGvPV3hRrd5p9Bsyy5rSqA3AcY1U8upfowDTEt6DihCl

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *