Sa pagpapatuloy ng serye ng committee hearings na isinasagawa ng Sangguniang Bayan noong June 25 ukol sa Supplemental Budget at Tax Ordinance ng iba’t ibang barangay, isinalang ang annual budget ng Warding at tax ordinance ng M.H. Del Pilar, gayundin ang mga annual budget ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Buenlag 1st, Warding, Idong, Ambayat 2nd, Dusoc, Malsian Sur, Bongato West, at Iton.
Matagumpay na dinepensahan ng mga naturang barangay sa mga konsehal ang mga binalangkas na budget para sa kanikanilang mga inihandang proyekto. (RSO; SB)